Thursday, September 4, 2014

PAYONG

Grabeh ang dami na talaga ngayong naniniwala sa mga signs. sabi kasi nila kapag nag-katotoo yung sign na hiningi mo magkakatotoo din yung gusto mo. Eh paano nga kung kung hindi magkatotoo ibig sabihin na ba talaga nun hindi na mag kakatotoo yung wish mo? Parang ang unfair naman kung dun mo na lang iaasa di ba?


Habang nakatayo ako, naiisip ko, paano kung humingi ako ng sign para sa crush ko? Try lang naman. hindi naman siguro malaking kawalan. Habang nakatayo ako ay bigla ko siyang nakita, di ako nag pahalata kasi crush din siya ng kaklase ko. May dala na naman siyang payong. Ewan ko ba sa kanya bakit lagi niya yun hawak eh hindi naman umuulan. Aha!alam ko ng hihingin kong sign. Kapag sa unang araw ng pag-patak ng ulan at pinasukob niya ko sa payong niya ibig sabihin nun ay siya na ang taong nakalaan para sa akin.

Kinabukasan pag-pasok ko nadatnan kong maingay ang mga kaklase ko. Teka tama ba tong nakikita ko si crush pumasok sa room namin at umupo sa tabi ko? At dala-dala na naman niya yung payong niya.

isang linggo ng nakalipas at naging medyo close kami. Nang minsan papunta akong canteen nagulat ako ng bigla niya kong pinayungan sayang nga dahil hindi umuulan ng mga panahong yun.

"tin, sa canteen ka ba pupunta? ayos lang ba na sumabay ako sayo? oo dun ako papunta sige sabay na tayo.

"alam mo ba mayron akong gustong sabihin sayo. Alam mo ba kasi kahit isang linggo pa lang tayong magkakaklase ay meron na kaagad akong nagustuhan sa room. sino naman? Sa totoo lang baka di ka maniwala eh. basta saka ko na lang sasabihin sayo.

Habang sinasabi niya yung mga salitang yun nakaramdam ako ng kaba. kasi bakit sa kin niya sinasabi yun hindi ko mapigilang isipin na baka ako yun kasi ako ang palagi niyang kinakausap at ka close sa room. Unti-unti kong nararamdaman na medyo malapit na tang mangyari yung sign na hinihingi ko.

Kinabukasan huling subject namin yung math at medyo nakikita ko na maitim ang mga ulap parang uulan na. maya-maya pa ay bumagsak na ang ulan. uwian na namin halos lahat kami ay walang dalang payong maliban sa kanya.sabi ko sa sarili ko eto na to kailangan payungan niya ako. Nagulat ako kasi pagkatapos ng klase namin ay nagmamadali siyang lumabas kasunod ng kaklase ko. Pagkalabas ko ay nakita ko na pinayungan niya ang yung kaklase.

Sa pagbuhos ng ulan parang gusto ding mag buhos ng luha ang mga mata ko sa nakita kong yun. agad kong naisip na hindi na magkakatotoo yung sign ko dahil hindi talaga ako ang gusto niya. Sa sobrang lungkot ko ay hindi ko namalayan na naglalakad na pala ako sa ulan at basang-basa. ng may biglang isang lalaki ang lumapit sa kin at pinatong ang bag niya sa ulo ko. Nagulat ako sa nakita ko sa bag niya na nakasabit isang keychain na payong.

17 comments:

  1. sign ?? oo naniniwala ako dyan :)

    ReplyDelete
  2. typical story... i mean where's the twist .. and come on, come up with another situation .. writers and their cliches! :/

    ReplyDelete
  3. ang galing astig!..inspiring yung story...

    ReplyDelete
  4. Extraordinary :P. Medyo realistic :D

    ReplyDelete
  5. Nice story. Minsan kase masyado tayong nagsesettle sa mga "hinuha" natin. Masyado tayo umaasa sa mga napapanood nating koreanovela at movie na puro happy ending. This is not your fairytale. Wag masyadong hopeless romantic. Kung para sayo, para sayo.

    ReplyDelete
  6. wow... siguro "he is not so into you" 'yong istorya ng bida... okay lang 'yan... marami pang isda sa dagat... ba't mag-e-elevator kung may hagdan naman?! 'yong hagdan 'yong may keychain na payong... isa pa, "love is an illusion..." :P

    ReplyDelete
  7. Hahahahahaha Astig naman!

    ReplyDelete
  8. so interesting i got so many idea from it thanks a lot.................................

    ReplyDelete
  9. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete