“nakakainis naman
talaga si sir, palagi na lang ako ang napagdidiskitahan porket ba palagi akong
late!” sabi yan ng isa sa mga kakilala ko.
Ng
narinig ko yung sinabi niya di ko alam kung maaawa o matatawa ako. Paanong
hindi siya mapapansin eh para siyang artista, grand entrance siya lagi dahil sa
pagpasok ng late. Hay! Mga estudyante talaga gumagawa pa ng dahilan para
mapagalitan. Ang masama pa niyan ay sila na ngang may kasalanan sila pa tong
may ganang mainis sa titser. Ba’t di kaya nila tanungin sarili nila dahil sila
naman talaga makakasagot ng sarili nilang problema. Kadalasan kapag ganyang mga
pangyayari imbes na ayusin nila yung problema nilang yun eh kinukunsinti pa at
gumagawa pa ng madaming dahilan. Ito ang ilan sa mga madalas nating marinig na
dahilan nila:
·
“Natatraffic ako sa umaga kasi naman
malayo yung bahay namin sa skul.” ( eh kung gumigising ka kaya ng maaga para
makaalis ka sa inyo ng maaga alam mo ng ngang malayo ang bahay niyo)
·
“tanghali akong nagising, kasi madami
akong ginawang project at assignment kagabi.” ( kung gumawa ka talaga ng
project syempre maaga kang papasok kasi excited kang ipasa yung ginawa mo. Pero
ang totoo naman talaga ay nagpuyat ka lang kakanood ng mga drama sa gabi)
·
“Tinanghali akong gisingin ng nanay ko”
(gumising ka kaya ng kusa, ang totoo tamad kang gumising, inaasa mo pa sa nanay
mo)
·
“masama po kasi ang pakiramdam ko
pag-gising ko kaninang umaga, sumasakit yung ulo ko” ( talagang sasakit yang
ulo mo eh ilang oras nakatutok yang mata mo sa cellphone o computer
kaka-wattpad o kung ano pa)
·
“ madami po kasing inutos sa kin yung
nanay ko kaninang umaga” ( eh kung ginagawa mo kaya ng mabilis hindi yung
kukupad-kupad ka, mas inuuna mo pa mag-basa ng text)
·
“sorry, kasi may ginawa akong
importanteng bagay” (tama bang sabihin yan para bang sinabi mo na walang kwenta
yung klase niya.)
Ewan ko ba bakit tayong
mga estudyante hindi maubos-ubos ang mga dahilan lagi na lang may “kasi…”
(pwera na lang sana kung talagang totoo yung dinadahilan nila). Ang masama pa
ay baka madala na talaga natin to hanggang sa magkatrabaho na tayo. Ba’t di
kaya natin gayahin ang mga taong nag eefort gumising ng maaga para hindi
malate. Kaya ngayon pa lang dapat baguhin na natin to.
Sabi
nga sa kasabihan “daig ng maagap ang masipag”. Huwag ka ng pumetiks-petiks pa.
alam mo namang kasalanan mo yan huwag mo ng isisi pa sa titser mo. Puro ka
reklamo at kung minsan eh kung ano-ano pang mga sinasabi mo. Magbago ka na wag
ka ng makisali pa sa kagaya nila para naman mabawasan na ang tulad nila.
Siguro
itatanong ng iba sa inyo kung ako ba hindi nalalate? oo minsan nalalate ako
kaya nga gusto ko sanang tanggalin na ang sakit na matagal ng laganap sa mga
estudyanteng gaya natin. Pero nasa sa inyo pa rin ang magiging desisyon niyo.
Basta ako iiwasan kong malate sa abot ng makakaya ko.

tama to sa mga taong laging nalelate=)
ReplyDeleteUy! Totoo naman yung tinanghali ng gising kasi gumawa ng mga project at lesson plan. :DDDDD WOOOOOOOOOOOOOOOOOO!
ReplyDeleteyun lang defensive :D
Deletewahahahah defensive pre aa .. :D :P
DeleteHAHAHAAHAHAExcuses! GO CLASSMATES ko dyan na laging late :) XD
ReplyDeletePAg LATE talaga maraming dahilan.....naku! gising kasi na maaga..
ReplyDeletebuti na lang di ako palaging LATE!. HAHAHA
ReplyDeletetlga lng aa.. :D
Delete:)
ReplyDeletehahahah buti ako ndi pa na late .. :D
ReplyDelete:) nice blog !!! relate much siguro yung kakilala ko dito ?
ReplyDelete:) nice blog !!! relate much siguro yung kakilala ko dito ?
ReplyDeletenice blog
ReplyDeletemay classmate tayo na palageng late kahit walang mga ass and projects :)
ReplyDeleteyung mga late mag bagong buhay na hehehe ...
ReplyDeletehaha :D sana mabasa ito ng mga taong palaging late :D
ReplyDeletebawal nman tlga an late noh :P
ReplyDeleteButi pa ko minsan lang malate haha
ReplyDeletebilng future teachers dapat tlga na concious tayo palagi sa time..
ReplyDeletelets be professional. GROW UP. haha
ReplyDeletepa'no 'yan?! naghahagilap lang ako ng pamasahe araw-araw sa umaga kaya lagi akong late... nakakahiya kasi mangutang sa gabi kasi "gabi" na :(
ReplyDeleteHahahaha. Oh alam na kung bakit late? -_- Hahaha
ReplyDeleteRelate much! :) hello sa mga klameyt kong laging late :)
ReplyDeleteTrue! 😄
ReplyDeleteMAHUSAY. HANGGANG 629 LANG
ReplyDeleteanong 629??
Deleteoo nga No!!
ReplyDelete