Tuesday, September 9, 2014

Bawal ang late

“nakakainis naman talaga si sir, palagi na lang ako ang napagdidiskitahan porket ba palagi akong late!” sabi yan ng isa sa mga kakilala ko.


          Ng narinig ko yung sinabi niya di ko alam kung maaawa o matatawa ako. Paanong hindi siya mapapansin eh para siyang artista, grand entrance siya lagi dahil sa pagpasok ng late. Hay! Mga estudyante talaga gumagawa pa ng dahilan para mapagalitan. Ang masama pa niyan ay sila na ngang may kasalanan sila pa tong may ganang mainis sa titser. Ba’t di kaya nila tanungin sarili nila dahil sila naman talaga makakasagot ng sarili nilang problema. Kadalasan kapag ganyang mga pangyayari imbes na ayusin nila yung problema nilang yun eh kinukunsinti pa at gumagawa pa ng madaming dahilan. Ito ang ilan sa mga madalas nating marinig na dahilan nila:

·         “Natatraffic ako sa umaga kasi naman malayo yung bahay namin sa skul.” ( eh kung gumigising ka kaya ng maaga para makaalis ka sa inyo ng maaga alam mo ng ngang malayo ang bahay niyo)

·         “tanghali akong nagising, kasi madami akong ginawang project at assignment kagabi.” ( kung gumawa ka talaga ng project syempre maaga kang papasok kasi excited kang ipasa yung ginawa mo. Pero ang totoo naman talaga ay nagpuyat ka lang kakanood ng mga drama sa gabi)

·         “Tinanghali akong gisingin ng nanay ko” (gumising ka kaya ng kusa, ang totoo tamad kang gumising, inaasa mo pa sa nanay mo)

·         “masama po kasi ang pakiramdam ko pag-gising ko kaninang umaga, sumasakit yung ulo ko” ( talagang sasakit yang ulo mo eh ilang oras nakatutok yang mata mo sa cellphone o computer kaka-wattpad o kung ano pa)

·         “ madami po kasing inutos sa kin yung nanay ko kaninang umaga” ( eh kung ginagawa mo kaya ng mabilis hindi yung kukupad-kupad ka, mas inuuna mo pa mag-basa ng text)
·         “sorry, kasi may ginawa akong importanteng bagay” (tama bang sabihin yan para bang sinabi mo na walang kwenta yung klase niya.)

Ewan ko ba bakit tayong mga estudyante hindi maubos-ubos ang mga dahilan lagi na lang may “kasi…” (pwera na lang sana kung talagang totoo yung dinadahilan nila). Ang masama pa ay baka madala na talaga natin to hanggang sa magkatrabaho na tayo. Ba’t di kaya natin gayahin ang mga taong nag eefort gumising ng maaga para hindi malate. Kaya ngayon pa lang dapat baguhin na natin to.
            Sabi nga sa kasabihan “daig ng maagap ang masipag”. Huwag ka ng pumetiks-petiks pa. alam mo namang kasalanan mo yan huwag mo ng isisi pa sa titser mo. Puro ka reklamo at kung minsan eh kung ano-ano pang mga sinasabi mo. Magbago ka na wag ka ng makisali pa sa kagaya nila para naman mabawasan na ang tulad nila.


            Siguro itatanong ng iba sa inyo kung ako ba hindi nalalate? oo minsan nalalate ako kaya nga gusto ko sanang tanggalin na ang sakit na matagal ng laganap sa mga estudyanteng gaya natin. Pero nasa sa inyo pa rin ang magiging desisyon niyo. Basta ako iiwasan kong malate sa abot ng makakaya ko.



27 comments:

  1. tama to sa mga taong laging nalelate=)

    ReplyDelete
  2. Uy! Totoo naman yung tinanghali ng gising kasi gumawa ng mga project at lesson plan. :DDDDD WOOOOOOOOOOOOOOOOOO!

    ReplyDelete
  3. HAHAHAAHAHAExcuses! GO CLASSMATES ko dyan na laging late :) XD

    ReplyDelete
  4. PAg LATE talaga maraming dahilan.....naku! gising kasi na maaga..

    ReplyDelete
  5. buti na lang di ako palaging LATE!. HAHAHA

    ReplyDelete
  6. hahahah buti ako ndi pa na late .. :D

    ReplyDelete
  7. :) nice blog !!! relate much siguro yung kakilala ko dito ?

    ReplyDelete
  8. :) nice blog !!! relate much siguro yung kakilala ko dito ?

    ReplyDelete
  9. may classmate tayo na palageng late kahit walang mga ass and projects :)

    ReplyDelete
  10. yung mga late mag bagong buhay na hehehe ...

    ReplyDelete
  11. haha :D sana mabasa ito ng mga taong palaging late :D

    ReplyDelete
  12. bawal nman tlga an late noh :P

    ReplyDelete
  13. Buti pa ko minsan lang malate haha

    ReplyDelete
  14. bilng future teachers dapat tlga na concious tayo palagi sa time..

    ReplyDelete
  15. lets be professional. GROW UP. haha

    ReplyDelete
  16. pa'no 'yan?! naghahagilap lang ako ng pamasahe araw-araw sa umaga kaya lagi akong late... nakakahiya kasi mangutang sa gabi kasi "gabi" na :(

    ReplyDelete
  17. Hahahaha. Oh alam na kung bakit late? -_- Hahaha

    ReplyDelete
  18. Relate much! :) hello sa mga klameyt kong laging late :)

    ReplyDelete